DepEd Central Office sa Pasig City, pansamantalang sarado

DepEd Central Office sa Pasig City, pansamantalang sarado

PANSAMANTALANG sarado ng limang araw ang DepEd Central Office sa Pasig City.

Ito ay para bigyan-daan ang isasagawang complex-wide disinfection at contact tracing activity.

Sa abiso ng DepEd, ang temporary closure ay simula ngayong araw, Agosto 19 at tatagal hanggang sa Agosto 23, 2020.

Inabisuhan naman ang mga personnel ng central office na magpapatuloy ang work from home arrangement.

Tiniyak rin ng DepEd sa publiko na kahit naka-lockdown ang CO ay hindi mapapatid ang critical operations ng ahensya, gayundin ang pagproseso sa financial obligations, salaries, at benepisyo ng mga DepEd teaching at non-teaching personnel.

Muli namang pinaalalahanan ng DepEd ang kanilang mga empleyado at ang publiko na mahigpit na bantayan ang kinakailangang health protocols para sa kaligtasan ng lahat.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.