DepEd, ginunita ang culminating activity ng National Children’s Month

DepEd, ginunita ang culminating activity ng National Children’s Month

GINUNITA ng Department of Education (DepEd) ang culminating activity ng National Children’s Month.

Ayon kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na ang culminating activity ay nagbigay kahalagahan sa pagbibigay sa mga anak at kabataan ng ligtas, mapayapa, at masaganang pamumuhay na malayo sa kriminalidad, ilegal na droga, at insurhensya.

“Kasama ng Department of Education (DepEd) Learner Rights and Protection Office (LRPO), inilunsad natin ang iba’t ibang mga polisiya tulad ng Enhanced Child Protection Policy, Guidelines on the Implementation of the Safe Spaces Act in Basic Education, at DepEd Policy on the Child in Situations of Armed Conflict para sa benepisyo ng ating mga minamahal na kabataan,” saad ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte.

Layunin nitong isulong, protektahan, igalang, at pangalagaan ang karapatan ng bawat bata, anuman ang kaniyang kulay, kasarian, lahi, relihiyon, kultura, estado sa buhay, may kapansanan man o wala.

Ayon kay VP Duterte, ang mga polisiyang ipinapatulad sa DepEd ay hindi lamang mga direktiba kundi para na rin sa mga guro, mga katuwang ng DepEd, at iba pang stakeholders.

Ang boses aniya ng bawat kabataan ay mahalaga kaya naman paalala niya sa lahat na ang DepEd ay laging nakatuon sa anumang pang-aabuso at karahasan laban sa mga mag-aaral.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter