DepEd, hinimok ang publiko na makinig sa basic education report ngayong hapon

DepEd, hinimok ang publiko na makinig sa basic education report ngayong hapon

HINIHIKAYAT ng Department of Education (DepEd) ang publiko na makinig at manood sa Basic Education Report (BER) 2023 mamayang hapon.

Ayon sa DepEd, ilalahad ang BER 2023 ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte mamayang alas 2 ng hapon.

Mapapanood ang livestream sa opisyal na Facebook page, YouTube Channel, at website ng DepEd Philippines.

Iuulat ni VP Duterte sa BER 2023 ang kasalukuyang estado ng basic education, napapanahong mga isyu, at implementasyon ng mga programang pang-edukasyon ng kagawaran.

Ilalatag din dito ang education agenda o ang mga plano at inisyatiba ng kagawaran tungo sa higit pang pagpapaunlad ng edukasyon sa bansa.

 

 

Follow SMNI News on Twitter