DepEd, iniimbestigahan ang mga pribadong paaralang umano’y may ghost students

DepEd, iniimbestigahan ang mga pribadong paaralang umano’y may ghost students

TINITINGNAN ng Department of Education (DepEd) ngayon ang posibilidad ng pagkakasangkot ng ilang tauhan at opisyal sa nasabing gawain na maaaring humantong sa diskwalipikasyon ng mga paaralan mula sa voucher program.

Binigyang-diin ni Secretary Sonny Angara na hindi kukunsintihin ang anumang maling paggamit ng pondo ng bayan para sa edukasyon.

Bilang tugon, naghahanda ang DepEd na bawiin ang akreditasyon ng mga sangkot na paaralan at nangangalap ng mga ebidensya laban sa mga ito.

Posibleng magsasampa ang ahesya ng administrative at criminal cases batay sa umiiral na mga batas.

Tiniyak naman ng DepEd na ang mga lehitimong mag-aaral na maaapektuhan ay makatatanggap ng kinakailangang tulong upang hindi maantala ang kanilang pag-aaral.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble