KINONDENA ng Department of Education (DepEd) ang nangyaring pananambang sa education program supervisor ng Isulan Central School sa Sultan Kudarat.
Nangyari ang pamamaril noong Lunes, Enero 8.
Sa pahayag ng DepEd, bagama’t ligtas ang kalagayan ng naturang supervisor at ng asawa nito, ay kinondena ng ahensiya ang naturang karahasan laban sa mga guro at tauhan ng DepEd.
Hinikayat din ng DepEd ang mga awtoridad para sa agarang pag-imbestiga sa insidente at matiyak na mapapanagot ang mga suspek sa krimen.