DepEd, nakakuha ng pinakamataas na ratings sa 3rd quarter survey ng OCTA Research

DepEd, nakakuha ng pinakamataas na ratings sa 3rd quarter survey ng OCTA Research

NAKAKUHA ng pinakamataas na trust at performance rating ang Department of Education (DepEd) mula sa lahat ng government agencies ayon sa 3rd quarter survey ng OCTA Research ngayong taon.

Sa resulta, 79% ang trust rating nito at 80% ang para sa performance.

Makikita sa Visayas at Mindanao ang malaking porsiyento ng nagtitiwala sa ahensiya.

Sumunod sa DepEd ang Commission on Higher Education at Department of Public Works and Highways na may 75%; Department of Health na may 74%; at Department of Social Welfare and Development na may 73%.

Isinagawa ang survey noong Setyembre 30 hanggang Oktubre 4, 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter