NAKATANGGAP ang Department of Education (DepEd) ng 1M Google Workspace for Education licenses mula sa Multinational Technology Corporation na Google.
Partikular na benepisyaryo rito ang 800K na mga guro at 200k na non-teaching personnel.
Layunin nito ang matulungan ang mga guro sa pampublikong paaralan sa paghahanda ng kanilang lessons at grade papers gamit ang naturang cloud-based business tool.
Sinabi ni DepEd Sec. Sonny Angara, tututukan na rin nila nang maayos ang internet connectivity at kuryente sa mga paaralan na nasa liblib na mga lugar upang maayos na magamit ang Google Workspace.