NAKIPAG-tandem ang Department of Education (DepEd) sa social networking platform na LinkedIn para mas mapalakas pa ang teaching workforce ng bansa.
Sa katunayan, target ng partnership ang makapagbigay sa mahigit 200k na pampublikong mga guro ng mas malawak na access sa LinkedIn Learning courses na nakaayon sa Philippines Professional Standards for Educators.
Sa pamamagitan din ng kasunduang ito, nakatakdang maglunsad ang DepEd ng pagsasanay na kung tawagin ay ‘LinkedIn 101’.
Ito ay para sa mga mag-aaral ng senior high school at naglalayong sanayin sila sa pagpapalakas ng kanilang professional network upang mapadali ang paghahanap ng trabaho sa hinaharap.”
Follow SMNI News on Rumble