DepEd, nakipagtulungan na sa LRA para sa kanilang infra projects

DepEd, nakipagtulungan na sa LRA para sa kanilang infra projects

NAKIPAGTULUNGAN na ngayon ang Department of Education (DepEd) sa Land Registration Authority (LRA) para sa kanilang infrastructure projects.

Layunin ng kanilang partnership ang mapabilis ang konstruksiyon ng mga school building at iba pang pasilidad.

Lalo na at maraming isyu ang kinakaharap ng DepEd kaugnay sa mga walang titulong lupa o property na nagiging hadlang sa infra projects.

Sa pamamagitan nito ay maisasakatuparan na ang solusyon sa kakulangan ng mga silid-aralan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble