DepEd, nanindigan na tuloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24

DepEd, nanindigan na tuloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24

NANINDIGAN ang Department of Education (DepEd) na tuloy na tuloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

Ipinaliwanag ni Education Sec. Leonor Briones na maiiwan at madedehado ang mga estudyante sa pag-aaral kung idi-delay ang pagbubukas ng klase.

Magkakaroon din aniya ng problema sa obesity ang mga estudyante kung matagal nang nasa bahay.

Inulit naman ng kalihim na walang face-to-face sessions habang wala pa ang bakuna at hindi pa under control ang covid.

Iginiit ni Briones na blended learning ang magiging approach sa nalalapit na pasukan.

Sinabi ni Sec. Briones na mahigit 22 milyong estudyante na ang naka-enroll at handa na muling mag-aral.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.