DepEd, nilinaw ang kautusan sa paggamit ng mga guro ng social media para maglabas ng mga batikos

DepEd, nilinaw ang kautusan sa paggamit ng mga guro ng social media para maglabas ng mga batikos

NILINAW ng Department of Education (DepEd), na humihiling sa mga guro at empleyado na huwag “bastusin” ang ahensya dahil hindi nila ipinagbabawal ang kanilang kalayaan sa pagpapahayag at pananalita ngunit para lamang isulong ang propesyonalismo sa kanilang hanay.

Ayon kay DepEd spokesman Atty. Michael Poa na ang inilabas na Department Order No. 49 ay hindi nagbabawal sa mga guro at empleyado na magpalabas ng mga batikos at hinaing sa social media.

Gayunpaman, hinihikayat nito ang mga empleyado ng DepEd na maglabas ng mga isyu sa mga umiiral na “machineries” ng ahensya.

Ani Poa kung mayroon silang mga hinaing, mayroong umiiral na makinarya kung saan maaari nilang itaas ang kanilang mga isyu at hindi ipinagbabawal ang mga constructive criticism.

Samantala nilinaw pa ni Poa na hindi pinipigilan ng DepEd ang karapatan ng mga empleyado nito na mag-post sa social media.

 

Follow SMNI News on Twitter