DepEd nilinaw na hindi heat stroke ang ikinasawi ng 2 guro sa Iloilo

DepEd nilinaw na hindi heat stroke ang ikinasawi ng 2 guro sa Iloilo

NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi nasawi dahil sa heat stroke ang dalawang guro sa Iloilo.

Taliwas ito sa naiulat ng dalawang estasyon ng radyo na umano’y nasawi ang dalawang guro dahil sa init ng panahon.

Paliwanag pa ng DepEd, ang isang guro ay nasawi noong Pebrero dahil sa hypertensive cardiovascular disease.

Habang ang isa pang guro na nasawi naman noong Marso ay dahil sa aneurysm.

Maliban dito, nasawi ang dalawang guro hindi sa paaralan kundi sa kani-kanilang mga tahanan.

Pinuna rin ng DepEd ang ilang news outlets na ginawang sensational ang kamatayan ng dalawang guro at hindi ginamitan ng factual reporting.

Binigyang-diin ng DepEd na walang nasawing guro sa mga paaralan ngayong tumitindi ang nararamdamang init sa malaking bahagi ng bansa.

Ito ay dahil binigyan ng DepEd ang mga school head ng awtorisasyon na magdesisyon kung kailangan nang suspendihin ang klase.

Sa ilalim ng Department Order 32 na inilabas noong 2022, maaaring magsupinde at mag-shift sa alternative mode o sa online ang mga paaralan kapag nagkakaroon ng mga kalamidad o dahil sa matinding init ng panahon na maaaring makaaapekto sa kaligtasan at kalusugan ng mga estudyante, guro at mga non-teaching personnel.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble