DepEd, opisyal nang nagpalit ng liderato

DepEd, opisyal nang nagpalit ng liderato

OPISYAL nang nagpalit ng liderato ang Department of Education (DepEd) ngayong Huwebes.

“Welcome to the chaos,” pahayag ni Vice Pres. Sara Duterte – Republic of the Philippines | Outgoing DepEd Secretary.

Yan ang pambungad na mensahe ni Vice President Sara Duterte para kay DepEd Secretary Sonny Angara sa turnover ceremony na ginanap sa Bulwagan ng Karunungan, DepEd Central office.

Kasama sa mga tinurnover ni VP Sara ay ang flag, seal, at transition report.

Sa talumpati ng outgoing Secretary, iniisa-isa nito ang kaniyang mahaba at makabuluhang accomplishment tulad ng MATATAG Agenda, K-10 MATATAG Curriculum, Review of the Senior High School Curriculum at pagbabalik ng 27-M na mga estudyante sa face to face classes.

Maging ang mga programang hindi na nito matatapos pa dahil sa kaniyang ginawang pagbitiw gaya ng programa para sa MATATAG Center, MATATAG Portal, Digital Education, Overtime Pay for Teachers, Revised Senior High Curriculum at iba pa na ipinauubaya nito sa bagong kalihim.

VP Sara Duterte, may “regrets” sa ginawang pagbitiw bilang kalihim, dahilan ng kaniyang pagbitiw, ibinunyag

Ayon kay VP, mabigat sa damdamin niyang lisanin ang ahensiya.

“It’s a heavy heart to leave the DepEd, minahal ko itong trabaho na ito, minahal ko ang mga kasama ko sa DepEd so meron talaga akong regrets dahil gusto ko talaga tapusin kong ano talaga ang deliverables sa admin mula sa DepEd,” ayon pa kay VP Sara Duterte.

“We will build from what you have started… As we assume our role and start a new chapter for DepEd, we want to hit the ground running and we want to learn from all of you here as we go along,” saad ni Sec. Sonny Angara, DepEd.

Ibinahagi naman ni VP Sara ang mga rason kung bakit nagdesisyon itong magbitiw na bilang DepEd Secretary na ayon dito ay mahabang kuwento.

Paglilinaw rin nito na walang kinalaman si Liza Marcos sa kaniyang pagbibitiw.

“Merong personal sa aming dalawa, sa aming dalawa ni President Marcos which stems from ‘yong napag-usapan namin bago ako pumayag na tumakbong vice president, meron siyang sa trabaho, meron siyang para sa bayan.”

“No. kasi wala namang kinalaman si First Lady sa trabaho namin ni Pangulong Marcos so sabi ko nga, kailangan siya ng sitdown dahil hindi siya isang rason lang, nagkanda buhol-buhol na siya na maraming rason,” giit nito.

VP Sara, hindi na magsisilbi sa ibang cabinet post sa Marcos administration; mga programa sa OVP, matutukan na nang husto ni VP Sara

Sa ngayon ay buo na ang oras at panahon ni VP para sa Office of the President.

Ayon pa kay VP, hindi na siya magsisilbi ng anumang cabinet post sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

“Hindi na ako magse-serve ng another cabinet post sa administration.”

“Ang susunod nito, tutukan namin mga exisiting projects ng OVP una doon satellite offices, legacy project ng OVP since the time of VP De Castro, Medical and Burial Assistance, Pagbabago Advocacy Campaign namin, Libreng sakay. Ngayon na hindi na hati ang buong oras ko sa dalawang opisina, iniisip namin magbibigay kami, ‘yong hindi ko nagawa sa DepEd, na legal assistance for teachers, gusto namin buoin sa OVP,” aniya.

Sa kabila ng ginawang pagbitiw ni VP ay nangunguna pa rin ito sa pinakalatest survey ng Pulse Asia Survey.

Ayon kay VP, bagamat hindi nito ibinabase sa survey ang kaniyang mga ginagawa para sa tao ay nagpapasalamat ito sa mga patuloy na sumusuporta sa kaniya sa DepEd at OVP.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble