DepEd: Pilipinas, tanging bansa sa Southeast Asia na walang face to face classes

ANG Pilipinas nalang ang bansa sa buong Southeast Asia ang nananatiling walang face to face classes.

Ito ang ipinahayag ng UNICEF sa kanilang pagpupulong kamakailan ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones.

Saad ng kalihim, Disyembre ng nakaraang taon nagprinsinta  ng proposal ang kagawaran kay Pangulong Duterte na magkaroon ng pilot implementation ng limited face to face classes sa mga low risk areas.

Aprubado ito ni Duterte at nakatakda na sana itong simulan noong Enero ngunit dahil sa panibagong banta na dala ng COVID-19 UK variant ay binawi ito ng pangulo.

Contextualized ang face to face classes ng ibang bansa.

Ani Briones nakadepende ang kanilang set-up o schedule sa kasalukuyang sitwasyon ng bawat paaralan – may iba isang oras sa isang linggo lamang, may iba rin na higit pa sa isang oras.

Dagdag ni Briones nagsagawa ang DepEd ng nationwide survey sa mga magulang, teachers at estudyante ukol sa pagbabalik ng face to face classes.

Aniya, mahigit 50% sa mga mag-aaral na respondents gustong-gusto na maibalik na ang dating set-up ng pag-aaral maging ang mga guro ay gusto na rin itong maibalik muli.

Tanging ang mga magulang lamang ang nagdadalawang isip patungkol dito.

May natatanggap rin siyang feedback na mas gusto ng mga estudyante ang atmosphere ng paraalan at ang mga guro ang magtuturo.

Giit rin ng kalihim na hindi rin mabuti ang prolonged closure ng mga paaralan sa kalusugan ng mga bata base sa mga pag-aaral.

Sa mga nakapanayam naman ng SMNI team na mga magulang, karamihan rin ay hindi payag sa pagbabalik ng face to face classes.

Pero para kay Mang Rey sang-ayon siya na ibalik ang dating set-up ng pag-aaral ng mga estudyante.

Saad naman ni Mang Carmelo, papayag siya na ibalik ang face to face classes pero sa mga higher year lamang.

Para naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung siya ay magtuturo sa panahon ngayon, aniya siya ay mahihirapan din.

Umaasa naman si Roque na mabibigyan ng pagkakataon ang face to face classes.

SMNI NEWS