PLANONG i-update ng Department of Education (DepEd) ang curriculum ng kinder hanggang Grade 10.
Ito bahagi ng isinasagawang curriculum review ng ahensya upang matugunan ang learning competencies sa Pilipinas.
Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, matagal na itong plano bago pa man magkaroon ng pandemya ngunit mas puspusan na ang aksyon ng kagawarabn para dito upang matiyak na nakakasabay ang learning ng mga kabataan sa kabila ng new normal.
Kabilang sa mga planong baguhin ng ay ang pagpapaigting ng reading, computation at social emotional skill ng mga estudyante mula kinder hanggang Grade 3.
Target ng ahensya na maimplementa ang bagong curriculum sa school year 2022.
Oras na masimulan ang roll-out ng updated K-10 curriculum, sunod nai-rereview ng DepEd ang curriculum ng Grade 11 at 12.