DepEd Region 11 nagpasalamat sa mga ahensiyang tumulong sa maayos na pagbubukas ng klase

DepEd Region 11 nagpasalamat sa mga ahensiyang tumulong sa maayos na pagbubukas ng klase

PINASALAMATAN ni Department of Education Region 11 Spokesperson Jenielito ‘Dodong’ Atillo ang mga ahensiya ng gobyerno na tumulong upang maging maayos at matagumpay ang unang araw ng pasukan, sa panayam ng DXRD SMNI Davao.

Sa programang Talakayan sa Siyete Onse, binanggit nito ang pagpapasalamat sa mga traffic enforcer, mga awtoridad, maging sa lahat ng mga guro na masipag na nanguna para maging ligtas ang mga estudyante sa unang araw ng pasukan.

Pinasalamatan din ni Atillo ang mga grupo at indibidwal na tumulong sa Brigada Eskwela.

Samantala, bagama’t nasa desisyon ng mga magulang kung saan nila gustong paaaralin ang kanilang mga anak, mas mainam pa rin aniya sa pinaka-malapit na paaralan upang mas makatipid sa oras at sa panahon upang magkaroon ng mas quality time sa pag-aaral.

Pagdating naman sa suspension of classes, sinabi ni Atillo na nakasaad sa Executive Order No. 66 na ang mga Local Chief Executives o mga Mayor ang inatasan para sa paglalalabas ng mga order tungkol sa kanselasyon ng klase sa panahon ng kalamidad.

Hinihikayat din ang lahat na palaging maghugas ng kamay at iwasan ang close o skin to skin contact sa mga may sintomas ng Monkeypox.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter