DepEd, sisimulan na ang ‘learning camps’ sa Hulyo

DepEd, sisimulan na ang ‘learning camps’ sa Hulyo

NAKATAKDANG simulan ng Department of Education (DepEd) ang “learning camps” nito para sa basic education students sa buwan ng Hulyo.

Sinabi ni DepEd Usec. Gina Ganong na ang katapusan ng school year program ay nakatuon sa reading, math, at science subject at tatakbo ito ng 3 linggo para sa mga estudyanteng maayos na at 3 linggo naman para sa mga estudyanteng nangangailangan ng karagdagang suporta.

Ipinaliwanag din ng opisyal na may 2 layunin ang learning camp at ito ay mas mapabuti ang learning outcome ng mga estudyante at mapatibay ang kapasidad ng mga guro.

Samantala, iminungkahi naman ni Former DepEd Usec. Diosdado San Antonio na ikonsiderang gawing tutor o tagasuporta ang mga estudyanteng high achievers sa mga nahihirapang estudyante.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter