DepEd, suportado ang gagawing imbestigasyon ng Kongreso ukol sa biniling P2.4-B halaga ng laptops

DepEd, suportado ang gagawing imbestigasyon ng Kongreso ukol sa biniling P2.4-B halaga ng laptops

HANDA ang Department of Education (DepEd) na sumailalim sa gagawing imbestigasyon ng Kongreso ukol sa umano’y outdated at mahal na presyo ng biniling laptops para sa DepEd na nagkakahalaga ng ₱2.4-B noong 2021.

Naniniwala ang DepEd na kailangang lutasin kaagad ang usaping ito.

Ayon sa kagawaran, magpapasailalim sila sa proseso ng imbestigasyon kahit na ang isyu ay nagsasangkot lamang ng Audit Observation Memorandum, na nangangailangan ng pagsusumite ng mga dokumento sa Commission of Audit (COA).

“DepEd believes that this matter needs to be resolved immediately, and we submit to the process as we commit to transparency and accountability — even if the issue only involves an Audit Observation Memorandum, which requires the submission of documents to the Commission of Audit (COA),” pahayag ng DepEd.

Hinihimok naman ng DepEd si ACT Teachers Rep. France Castro na maging maingat sa kanyang mga pahayag tungkol sa bagay na ito.

Naniniwala ang kagawaran na hindi tamang ideklara na maanomalya ang kontrata nang walang pinal na ulat ng COA, lalo na ang mga natuklasan mula sa Ombudsman.

“DepEd believes that it is not right to declare that the contract was anomalous without a final report by COA, much less findings from the Ombudsman,” saad ng Kagawaran.

Pumalag din ang DepEd sa pahayag na ‘binabarat’ ang mga guro.

Pagbibigay-diin ng DepEd na maagap ang ahensiya sa pagsusulong ng kapakanan ng mga guro sa mga nakaraang taon.

“We also take exception to the statement that teachers are ‘binabarat.’ DepEd has always been proactive in promoting teachers’ welfare over the years,” ayon sa DepEd.

Dagdag  pa ng DepEd na dapat daw ipaalala kay Castro ang mga pundamental na reporma na ginawa ng DepEd sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte — kabilang ang Salary Standardization Law of 2019, na nagtitiyak sa mga guro ng taunang pagtaas ng suweldo; ang Expanded Career Progression System para sa mga Public School Teachers, bukod sa iba pa.

“Rep. Castro should be reminded of the fundamental reforms that DepEd made under the administration of former President Rodrigo Duterte — including the Salary Standardization Law of 2019, which assured teachers of an annual salary increase; the Expanded Career Progression System for Public School Teachers, among others,” ayon sa DepEd.

Una nang nagpaliwang ang DepEd na Marso pa nagsumite ang kagawaran ng mga mga dokumento sa COA tungkol sa biniling laptops.

 

Follow SMNI News on Twitter