TARGET ng Department of Education (DepEd) na makaabot sa 27-M enrollees para sa school year (SY) 2021-2022 sa kabila ng nagpapatuloy ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Sinabi ni DepEd Undersecretary for Human Resources and Organizational Development Jess Mateo sa isang panayam na umaasa ang ahensiya na magkakaroon ng 27 million enrollees sa parehong public at private schools ngayong paparating na school year.
Sinabi ni Mateo na ang target na ito ay base sa pre-COVID enrollment noong SY 2019-2020 na nasa 27.7 million at sa ngayong school year ay mayroong nasa 26.6 million enrollees ang DepEd.
At upang masiguro na ang mga mag-aaral na nais na makapag-enroll ngayong taon ay maa-accommodate ay magsasagawa ang DepEd ng early registration mula Marso 26 hanggang Marso 30, 2021.
Upang masiguro naman ang kaligtasan ng mga makikilahok sa early registration, sinabi ni Mateo na mayroong remote system sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ).
(BASAHIN; Summer classes magpapatuloy ngayong school year —DepEd)