“Dependence” ng bansa sa pag-aangkat ng asin, masosolusyonan sa pamamagitan ng isang panukala

“Dependence” ng bansa sa pag-aangkat ng asin, masosolusyonan sa pamamagitan ng isang panukala

LUBOS na makatutulong sa bansa ang ipinapanukalang Philippine Salt Industry Development Act.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, masosolusyonan nito ang pagiging dependent ng bansa sa pag-aangkat ng kinakailangang asin.

Sa panukala, matututukan na nito ang lokal na produksiyon at magkakaroon na rin ng development plan sa salt industry.

Kung sisilipin, bagamat mahaba ang baybayin ng Pilipinas ay 93% sa suplay ng asin ay imported pa.

Samantala, sa naging hearing sa Kamara nitong May 29, 2023, aprubado na sa pangatlo at huling pagbasa ang nabanggit na panukala.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter