PINABULAANAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang abiso mula sa pamahalaan na nagsasabing tanggal na ang ban sa deployment ng Filipino workers sa Saudi Arabia.
Nilinaw ni DOLE Information and Publication Services (IPS) Director Rolly Francia na suspendido pa rin ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa naturang bansa.
Ayon kay Francia, kinumpirma rin ni POEA Administrator Bernard Olalia na wala itong pinirmahan o inisyung abiso.
Dahil dito, sinabi ni Francia na nakikipag-ugnayan na ang DOLE sa awtoridad upang matukoy ang source ng nasabing false advisory.