Deployment cap ng healthcare workers, tataasan sa susunod na taon –DOLE

Deployment cap ng healthcare workers, tataasan sa susunod na taon –DOLE

KINUMPIRMA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na posibleng tataasan ang deployment capacity ng healthcare workers para sa taong 2022 mula sa 6,500 limit ng mga healthcare workers gagawin na itong 10,000 sa susunod na taon.

Sa virtual briefing sinabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, plano na dagdagan ng Technical Working Group ng 4,000 ang deployment cap para sa healthcare workers.

Ayon din kay Asec. Tutay, magdedepende pa rin sa bilang ng production ng nurses o healthcare workers kung sakaling hindi maabot ang 12,000 na hinihinging registered nurses.

Pero hindi ibig sabihin babalik na naman ito sa dating limit na 5,000 cap.

Tiniyak din ng opisyal na hindi makakaapekto ang planong taasan ng pamahalaan sa 10,000 na deployment cap ng healthcare workers sa exemption ng deployment patungong United Kingdom.

Ibig sabihin sa deployment cap exempted ang mga health care workers na patungong UK, balik manggagawa, government to government agreement ng Germany kundi tanging mga new hire na OFW o HCW ang kabilang sa naturang cap.

Kung matatandaan hanggang ngayon pansamantala munang itinigil ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpapadala ng mga health care workers palabas ng bansa dahil naabot na ang limitasyon o cap na 6,500.

SMNI NEWS