Deployment ng household service workers sa UAE, muling ibabalik

MATAPOS ang pitong taon ay opisyal na muling ibabalik ng bansa ang deployment ng household service workers sa United Arab Emirates (UAE) sa huling bahagi ng Marso.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Claro Arellano, ang deployment ay magiging saklaw sa isang unified employment contract upang magbigay ng mahigpit na proteksyon sa household service workers.

Ang nasabing kontrata ay nagsasaad ng karapatan sa Filipino domestic worker na magkaroon ng walong oras na pahinga sa bawat gabi at paid leave na isang araw sa bawat linggo.

Maaari rin nilang hawakan ang passport at cellphone, makapagbukas ng bank account sa ilalim ng kanilang pangalan para sa bayad ng kanilang sahod at magluto ng kanilang sariling pagkain.

SMNI NEWS