Deportation laban sa mga Chinese mafia na naaresto sa Palawan, ikinakasa na

Deportation laban sa mga Chinese mafia na naaresto sa Palawan, ikinakasa na

IPINOPROSESO na ang deportation proceeding laban sa naarestong apat na Chinese nationals kabilang na ang umano’y leader ng mafia na sangkot umano sa paggawa ng mga pekeng government-issued identification cards at mga dokumento.

Kinilala ni Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang mga suspek na sina Wang Tao, Li Xiaoming, Guo Zhi Yang, at Lyu Zhiyang na pawang mga lalaki at naaresto sa Brgy. San Pedro sa Palawan.

Tinukoy si Lyu na gumagamit ng alias na Ken Garcia Lee, na mastermind sa operasyon ng sindikato at kilala sa Palawan bilang fraud mafia leader.

Kay Lyu sinasabing nanggaling ang mga pekeng government-issued documents na gamit ng mga undesirable alien at trafficking victims at kabilang sa mga nakumpiska ay mga driver’s license, postal IDs, at birth certificates.

Itinuturing naman ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ito ay malaking sindikato dahil nakapaglabas sila ng mga Philippine IDs sa mga dayuhang nagpapanggap na mga Filipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble