Deportation ng Chinese owners ng Elegant Fumes Beauty Products Inc, ipinanawagan

Deportation ng Chinese owners ng Elegant Fumes Beauty Products Inc, ipinanawagan

IPINANAWAGAN ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang deportation ng dalawang Chinese na nagmamay-ari ng tindahan ng beauty products na may address na “Manila, Province of China”

Ayon sa Alkalde ang kompanya ay nagngangalang Elegant Fumes Beauty Products Inc. at  sa likod ng produkto ng mga ito ay nakasulat aniya ang address na “1st floor, 707 Sto. Cristo St, San Nicolas, Manila, Province of China.

Aniya ang kompanya ay pag-aari ng dalawang Chinese at 2 Pinoy.

Sinabi naman ni  Domagoso na hindi katanggap-tanggap ang ginawang misrepresentation na ginawa ng mga ito sa lungsod ng Maynila.

“Una, misrepresentation at pangalawa, ang Binondo ay bahagi ng Maynila at ang Maynila ay Pilipinas. Ang Maynila ay capital ng bansa, hindi ito probinsya ng China at ni minsan hindi ito naging bahagi ng China sa anumang lathalain o kasaysayan na naitala. Hindi katanggap-tanggap sa’kin bilang Pilipino, bilang Manilenyo.” Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso

 

Dagdag pa ng mayor, kahit na ang Binondo ang pinakamalaking Filipino-Chinese community ay hindi nito papayagan ang ganitong pambu-bully sa lungsod.

“Pumanatag kayo, hindi natin hahayaan ang mga superpower na yan na para bang tayo’y pinipitik-pitik sa mata at binabalewala ang sovereignty. Hindi ko papayagan itong unti-unti na namang pamamaraan ng isang bansa na para bang inaangkin ang lungsod ng Maynila.” Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso

 

Kahapon ng ipinasara ng Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) ng Manila ang apat na establisyamento ng nasabing kompanya  dahil sa misrepresentation.

Bukod sa misrepresentation ay meron din palang mga violations o paglabag sa rules and regulations ng Food and Drug Administration o FDA ang Chinese company.

Sinabi naman ni Levi Facundo, Head ng BPLO Maynila na walang makikita sa label ng produkto ng kompanya ang batch o lot number maging ang pangalan at address ng kompanya o ang taong responsable sa paglagay ng produkto sa merkado.

Sinabi naman ni Isko na pormal siyang mananawagan sa Bureau of Immigration para ipa-deport ang mga nasabing Chinese nationals.

Naniniwala naman si Puwersa ng Bayaning Atleta o PBA Party-list Rep. Jericho Nograles na maaaring deliberate at hindi simple error ang paglabel ng mga Chinese national sa Maynila bilang ang probinsya ng China.

Aniya ang bagay na ito ay kailangang maimbestigahan at ang mga manufacturer at importer nito ay dapat na ma-blacklist.

Sinabi din ni Nograles na magiging hudyat ito sa Kongreso para bumuo ng batas na magpaparusa sa gumagawa ng maling impormasyon sa consumer products.

Sumulat naman si Nograles sa DTI para isumbong ang Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair na dinistribute ng Elegant Fumes Beauty Products dahil sa mislabeling na ginawa ng kompanya.

Samantala tinawag naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na kalokohan at hindi dapat pansinin ang nasabing isyu.

“Eh sa akin kalokohan lang po iyan ‘no, hindi dapat pinapansin iyan ‘no dahil wala namang naniniwala na tayo ay probinsya ng Tsina. Sinisiguro po na lahat ng Pilipino ay nagmamahal sa bayan. We are proud to be Filipinos and we will never allow to be subjugated by any foreign body.” Presidential Spokesman Harry Roque

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.