Deputy PM ng New Zealand, bibisita sa Pilipinas ngayong linggo

Deputy PM ng New Zealand, bibisita sa Pilipinas ngayong linggo

BIBISITA sa Pilipinas si New Zealand Deputy Prime Minister at Foreign Affairs Minister Winston Peters.

Hindi pa lang naidetalye kung anong araw ito darating.

Layunin ng pagbisita ang palakasin pa ang kooperasyon at kolaborasyon ng Pilipinas at New Zealand sa iba’t ibang larangan.

Posibleng magsasagawa rin ng press conference si Peters at Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Enrique Manalo sa signing ceremony para sa kasunduan ng Anti-Red Tape Authority ng bansa at New Zealand Trade Enterprise on Ease of Doing Business.

Samantala, noong Abril ay napagkasunduan nina New Zealand Prime Minister Christopher Luxon at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasagawa ng review hinggil sa existing bilateral migrant workers arrangement para sa recruitment ng Overseas Filipino Workers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble