PANALO kontra Miami Heat sa tulong ng buzzer beater points ng Boston Celtics guard na si Derrick White.
Sa ginanap na Game 6 ng NBA Eastern Conference Finals, naiuwi ng Celtics ang panalo sa iskor na 104-103.
Sa buong laro, nakakuha si White ng 11 puntos, 6 assist, 4 rebound at 3 block.
Habang sina Jayson Tatum at Jaylen Brown na umiskor ng kabuuang 57 puntos at 21 rebounds.
Bagaman isa itong nakakapanghinayang na pagkatalo mula sa Miami Heat, ikinatuwa naman ito ng fans ng Boston Celtics.