‘Designated survivor’ ni VP Sara, huwag nang seryosohin—political analyst

‘Designated survivor’ ni VP Sara, huwag nang seryosohin—political analyst

UMANI ng samu’t-saring reaksiyon mula sa iba’t ibang opisyal ng pamahalaan partikular na ang mga nasa Mababang Kapulungan ng Kongreso nang sabihin ni Vice President Sara Duterte na hindi siya dadalo sa paparating na State of the Nation Address (SONA) ni Bongbong Marcos Jr. kasunod ng pagsabi na siya ang “designated survivor”.

May ilang kongresista na gusto pang pagpapaliwanagin si VP Sara.

‘Yung iba naman ay nagsabing nababahala sila hanggang umabot sa punto na nais pa nilang paimbestigahan ang naging pahayag ni pangalawang pangulo.

Pero para sa political analyst na si Dr. Froilan Calilung – wala naman aniya siyang nakikita na kahit na anong implikasyon sa naging pahayag ni VP Sara.

“Well, basically the VP declaring herself as a designated survivor does not bear any kind of legal way technically speaking, constitutionally wala naman talaga ito sa ating Saligang Batas and now it is really a prerogative on the part of VP to not attend the SONA. Technically speaking also wala naman talaga siyang mahalagang papel na gagampanan dun. Siguro ang mas magandang makita natin dito is the implication or the impression that is has actually created–that she now I believe is really admitting herself as the face of the opposition,” pahayag ni Dr. Froilan Calilung, Political Analyst.

Sabi ni Calilung, ‘wag na sana itong seryosohin pa dahil naniniwala siyang mabuting tao si VP Sara at hindi aniya ito maghahangad ng masama lalo na sa mga lider ng bansa.

“No, I don’t think we need to go to that extent kasi nga I don’t think VP Sara is thinking or even contemplating of something like that. I think it was really meant to be a joke na siya nga mismo ang nagsabi na I think it was a spin off from a Netflix series. Siguro hindi na natin kailangang seryosohin ‘yung mga ganung mga pahayag at hindi naman siguro ito isang uri ng pagbabanta on the part of VP,” pahayag ni Dr. Froilan Calilung, Political Analyst.

Naniniwala rin si Calilung na maaaring dismayado na si VP Sara dahil sa hindi na nagkakatugma ang mga polisiya na kaniyang nakikita sa administrasyon ni Marcos Jr.

“Yes, I think sa karakter naman ng ating VP, she is a no-nonsense lady, technically speaking what I mean is that kapag talagang– she’s the type who speaks her mind out, and if she feels na kumbaga hindi na talaga maganda ‘yung nagiging samahan at hindi na talaga nagiging maayos ‘yung kanilang pag-agree dun sa mga key policy, might as well distance herself na lang siguro. Sabi nga natin if he can’t take the heat, then get out of the kitchen parang ganun,” aniya.

Maliban diyan ay nagkomento rin siya sa P20-M budget na inilaan ng pamahalaan para sa SONA ni Marcos.

Mas mainam nga aniya sana kung inilaan na lang ang pondong ito sa mas mahalaga’t kapaki-pakinabang na mga proyekto’t programa.

“I believe this amount is still quiet staggering. Medyo mataas pa din ‘tong amount na ‘to, considering na may kinakaharap tayong kahirapan ngayon, mataas na presyo ng bilihin. I think the government should also be sensitive enough to understand the plight of the common matters or the common people. Siguro mas maganda kung hindi ganito kalaki ‘yung amount na ating inilagak para dito sa SONA,” giit nito.

Sa resulta nga survey ng Pulse Asia patungkol sa national concerns ng mga Pilipino noong Hunyo 17 hanggang 24, nangunguna pa rin sa mga nais patutukan ng publiko sa pamahalaan ang mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo, pagtaas ng sahod ng mga manggagawa at ang pagpapababa sa kahirapan ng maraming Pilipino.

Sabi ni Calilung, ito ang dapat na pagtuunan ng pansin ng gobyerno.

“I think ito ang isa problema it’s a good thing you pointed that out, na medyo hindi nagiging receptive ‘yung ating gobyerno doon sa talagang kalagayan at hinaing nga ng mas nakararami,” dagdag pa nito.

“Kasi kung makikinig ka lang naman at kung makikita mo lang naman talaga ‘yung mga nangyayari sa araw-araw, I think mas magkakaroon tayo ng mas malalim especially ‘yung mga nasa gorbyerno natin mas magkakaroon sila ng malalim na pag-unawa doon sa tunay na kalagayan lalong-lalo na nung mga nandun sa laylayan,” pagtatapos nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble