Desisyon na masibak sa trabaho ang mataas na opisyal Ombudsman dahil sa corruption, pinagtibay ng SC

Desisyon na masibak sa trabaho ang mataas na opisyal Ombudsman dahil sa corruption, pinagtibay ng SC

PINAGTIBAY ng Korte Suprema (SC) ang dismissal order laban sa isang opisyal sa Office of the Ombudsman na napatunayang nagbenta ng kaso kapalit ng pera.

Batay sa desisyon ng Supreme Court 3rd Division na pinonente ni Associate Justice Samuel Gaerlan ay kinatigan nito ang naging desisyon ng Court of Appeals at ng Ombudsman makaraang napatunayan na si Rolando Zoleta ay guilty o nakagawa ng Grave Misconduct; Serious Dishonesty; at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Si Zoleta ay dating Assistant Ombudsman for Luzon bago naitalaga sa Appeals Bureau sa Office of the Special Prosecutor.

2017 nang naghain ng reklamo ang Internal Affairs Board-Investigating Staff at inakusahan si Zoleta na nag-alok ng tulong para maipadismis ang mga kaso na kinakaharap ng ilang mga high-ranking officials na nakasalang sa preliminary investigation at administrative adjudication sa Ombudsman-Luzon at sa Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices.

Matapos namang napatunayan ng Ombudsman na si Zoleta ay administratively liable ay pinatawan siya ng parusang dismissal o masibak sa kaniyang trabaho sa gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble