Desisyon ng House Committee on Ethics vs. Cong. Arnie Teves, malalaman mamaya sa plenary session

Desisyon ng House Committee on Ethics vs. Cong. Arnie Teves, malalaman mamaya sa plenary session

BABASAHIN na for plenary adoption ang desisyon ng House Committee on Ethics and Privileges hinggil sa patuloy na pagliban ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves, Jr.

Magugunita na mula February 28 hanggang March 9 lamang ang travel authority ng Kamara kay Teves para makapag-abroad.

Pero nang masangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, hindi pa nauwi ng bansa si Teves na itinuturo na umano’y mastermind sa krimen.

Ayon kay COOP-NATCO Party-list Rep. Felimon Espares ng Committee on Ethics, sa plenary lamang nila maaaring banggitin ang pasya ng komite per approval ng House Committee on Rules.

Nanindigan naman si Espares na naibigay na nila lahat ng pagkakataon kay Teves na magpaliwanag at umuwi ng bansa pero wala aniyang nangyari.

Para naman sa komite, absent sa trabaho si Teves dahil sa pagsuway sa travel authority kaya hindi ito maaaring pahintulutan sa pagdalo sa mga pagdinig gamit ang teleconferencing.

Unanimous aniya ang boto ng mga miyembro ng komite sa naturang rekomendasyon na mayroong 17 members bukod pa sa ex-officio members.

Follow SMNI NEWS in Twitter