Desisyon ng hukuman, dapat respetuhin ng kampo ni De Lima—Atty. Roque

Desisyon ng hukuman, dapat respetuhin ng kampo ni De Lima—Atty. Roque

RESPETUHIN ang naging desisyon ng hukuman ang payo ni Atty. Harry Roque hinggil sa naging desisyon ng Muntinlupa Court.

Na hindi maaaring makapagpiyansa si dating Senator Leila de Lima para sa kaniyang ikatlo at huling drug case.

Ang nakikitang problema ni Roque sa panig ni De Lima, kung pabor sa kanila ang hukom, pinupuri nito ang hukom.

Kapag hindi naman pabor, tinatawag na bias ang hukom.

Matatandaang nabasura ang ikalawang kaso ni De Lima hinggil sa ilegal na droga matapos bumaliktad ang testigo na si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Rafael Ragos.

Bagaman ginagalang ang desisyon ng hukuman, kuwestiyunable para kay Roque ang pagbawi ni Ragos sa kaniyang testimonya na umano’y dahil tinakot lang ito noon kaya nagtestigo laban kay De Lima.

Ani Roque, dapat lang na may ebidensiya rin ang naturang pahayag ni Ragos kung talagang tinakot nga siya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter