Desisyon ng OSG na kanselahin ang mga pekeng birth certificate, pinaboran ni Sen. Pia Cayetano

Desisyon ng OSG na kanselahin ang mga pekeng birth certificate, pinaboran ni Sen. Pia Cayetano

PINABORAN ni Sen. Pia Cayetano ang desisyon ng Office of the Solicitor General (OSG) na kanselahin ang mga pekeng birth certificate na nakuha ng mga dayuhan sa ilegal na pamamaraan.

Ayon kay Sen. Cayetano, ang chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee, ang pagkansela sa pekeng mga birth certificate ay isang maliwanag na mensahe na hindi ipinagbibili ang Philippine citizenship.

Matatandaan na matapos ang mga pagdinig ng komite ay nabunyag ang isang modus kung saan ilegal na ibinebenta ang Philippine citizenship.

Ang ilang dayuhan ay nagbabayad ng hanggang ₱300,000 kapalit ng pekeng government-issued IDs.

Nailantad rin ang sistematikong pandaraya sa lokal na sistema ng civil registration lalo na sa pagpapalabas ng mga birth certificate sa pamamagitan ng late registration.

Sa huli ay nanawagan si Sen. Cayetano ng patuloy na koordinasyon sa pagitan ng Philippine Statistics Authority, Bureau of Immigration, Department of Foreign Affairs, at sa local government units upang hindi na maulit ang naturang modus.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble