Desisyon ng SC sa kinukuwestiyong vote counting machines, pinamamadali

Desisyon ng SC sa kinukuwestiyong vote counting machines, pinamamadali

HINAMON ng isang dating kongresista ang Korte Suprema na maglabas na ng kautusan na magdaos ng demonstration ang Commission on Elections (COMELEC) at kompanyang Miru Systems Incorporated sa mga vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa botohan at bilangan ng boto sa 2025 midterm elections.

Nauna diyan ay naghain kasi ng petisyon sa Korte Suprema si dating Caloocan Representative Edgar Erice na humiling na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court (SC) para maharang ang kontrata ng COMELEC at Miru.

Iginiit ng dating kongresista na ilegal ang paggawad ng kontrata ng COMELEC sa South Korean company dahil prototype lang o mga bagong makina na hindi pa nagagamit sa kahit saang halalan ang naturang mga VCM.

Kaugnay naman sa naunang petisyon ni Erice ay inatasan na ng Korte Suprema ang COMELEC na magsumite ng komento sa petisyon na humihiling na ipawalang bisa ang kontrata sa Miru System.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble