MALALAMAN sa darating na Lunes ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa rekomendasyon na 4-day workweek para makatipid sa kuryente.
Ito ang inihayag ni acting presidential spokesperson Martin Andanar.
Ayon kay Andanar, may posibilidad na sundin ng gobyerno ang mga rekomendasyon ng economic sector dahil sila ang mga eksperto sa larangan.
Una nang ipinanukala ni NEDA Chief and Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na magpatupad ng four-day work week para makatipid sa kuryente at mabawasan ang gastos ng publiko sa gitna ng patuloy na big time oil price hikes.
Alert level 1, posibleng manatili hanggang matapos ang termino ni PRRD – Duque
Posibleng manatili ang Alert Level 1 hanggang matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30, 2022.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na pinag-aaralan pa nila ang posibilidad na ibaba ang alerto sa Alert Level 0.
Sa ngayon aniya ay wala pang nabubuong polisiya ukol dito.
Sinabi ni Duque na nakatuon ang pamahalaan sa pagtulong sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 upang maibaba sila sa Alert Level 1 sa pamamagitan ng pagpapataas ng vaccination coverage partikular na sa mga senior citizen.
Una nang sinabi ni Duque na tatakayin pa ang paglalagay ng Alert Level 0 ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases kasama ang ilang government advisers.