Desisyon para mapauwi sa Pilipinas si dating Cong. Teves, inaasahang mas mapapabilis

Desisyon para mapauwi sa Pilipinas si dating Cong. Teves, inaasahang mas mapapabilis

UMAASA ang Department of Justice (DOJ) na mailalabas ng Court of Appeals ng Timor-Leste sa Hunyo 20 o mas maaga pa ang desisyon sa deportation kay dating Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Teves Jr.

Magugunitang si Teves ay inaresto noong Marso 21 sa Timor-Leste matapos naglabas ng red notice ang International Criminal Police (INTERPOL).

Samantala, nauna diyan o Setyembre 5, 2023 ay naglabas ang Manila Regional Trial Court Branch 51 ng warrant of arrest laban kay Teves para sa mga kasong kaugnay sa pamamaril noong Marso 4, 2023 sa Pamplona, Negros Oriental kung saan 10 katao ang napatay kabilang si Provincial Governor Roel Degamo.

Pebrero 5, 2024 naman nung naglabas ng desisyon ang Manila RTC na nag-uutos sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang pasaporte ni Teves.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble