Desisyon sa extradition ni Arnie Teves sa Timor-Leste, ilalabas sa huling bahagi ng buwan—DOJ

Desisyon sa extradition ni Arnie Teves sa Timor-Leste, ilalabas sa huling bahagi ng buwan—DOJ

AASAHANG ilalabas ng Timor-Leste sa huling bahagi ng Hunyo ang kanilang desisyon hinggil sa extradition case laban sa dating kongresista na si Arnie Teves Jr.

Dahil dito, ayon sa Department of Justice (DOJ), epektibo ang kanilang ipinadala na mga witness kung kaya’t umaasa sila na papabor sa kanila ang desisyon ng Timor-Leste government.

Nauna namang sinabi ng kampo ni Teves na inaasahan nilang papabor din sa kanila ang desisyon ng Timor-Leste.

Matatandaang nahaharap ang dating kongresista sa mga kasong multiple murder, frustrated murder at attempted murder.

Kaugnay ito sa Marso 4, 2023 na pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa.

Follow SMNI NEWS on Twitter