MANGANGAILANGAN pa ng sapat na panahon ang Supreme Court bago makapagpalabas ng desisyon sa petisyon ng ABS-CBN Corporation na humihiling na payagan silang manatiling makapag-broadcast.
Ayon sa source, posibleng maging kapareho ng desisyon ng House of Representatives ang desisyon na ilalabas na nagbasura sa legislative franchise ng nasabing TV network.
Kaugnay nito ay ni-reset o pinalawig pa ang pagpapatuloy ng deliberasyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema at isinama ito sa kanilang agenda at dedesisyunan sa loob pa ng tatlong linggo o sa August 4.
Dagdag pa ng source na tila mapipilitan ang Korte Suprema na i-dismiss ang petisyon matapos ang desisyon ng Kamara na huwag i-renew ang prangkisa.
Kaugnay nito ay kumpirmado naman na si Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe ang tatayong ponente o magsusulat ng desisyon sa kaso.