TUMANGGAP ng desktop computers ang 20 Barangay Associations of Persons with Disabilities ng Las Piñas sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office.
Malaking bagay ang kagamitan para sa mas mabilis na operational capabilities ng nasabing mga asosasyon.
Ayon kay Vice Mayor April Aguilar, nagpapatuloy itong hakbang ng lungsod sa layong walang maiiwan na grupo o residente man sa mga programa at benepisyo nito sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kakayahan, abilidad, at kagalingan.