MARIING itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga ulat na nasa likod ito ng alegasyong ‘destabilisasyon’ laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Wala aniyang pagpupulong ng mga militar at pulis na naganap sa siyudad ng Davao.
“Ako? sino maniwala sa akin?”
“Sino namang gagong pulis at sundalo ang makikipag-meet sa akin para sa destab,” pahayag ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Republic of the Philippines/COURTESY: Dennis R. Lazo.
“They must be crazy,” ani FPRRD.
Aniya, ang isyung ito ay produkto lamang ng pagiging-insecure ng ilang mga indibidwal.
“There are a lot of stupid people around.”
“What do I think? It’s all their insecurity maybe-it’s all in the mind,” aniya.
Giit ni dating Pangulong Duterte, komportable siya na si Pangulong Marcos ang nakaupo sa pinakamataas na posisyon.
Dagdag pa nito, wala siyang nakikitang rason para palitan ang Punong Ehekutibo.
“Bakit hindi ko ginawa yan when I was at the height of my, naging presidente na ako, for what purpose, to free somebody else in place of Marcos, I’m comfortable with Marcos, why should I replace him and who am I to replace him at this time of my life hindi ko ginawa at the height of my power ngayon pa na..na ako.”
“In the first place what would be my purpose and objective after all,” ayon pa kay FPRRD.
Samantala, ayon kay dating Pangulong Duterte tapos na ang kaniyang panahon at kontento na siya sa kaniyang napagtagumpayan noong siya ang pangulo.
Hindi rin ito nagkomento sa mga kinakaharap ngayon na pagsubok sa politika ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte.
“I cannot at this time be an active participant in politics, it’s all politics, you cannot remove that in politics, she has to be at this time be on her own.”
“Alam mo na-presidente na ako, I’m quite contented with what I achieve for myself, for the family and for my country, okay na ako dun,” aniya.
Inihayag naman ni dating Pangulong Duterte na si Vice President Inday Sara ang nakikita niyang magpapatuloy ng legasiya ng kaniyang pamilya sa politika.
Aniya, hindi talaga nais ni Mayor Sebastian Duterte ng politika at gusto lamang nito ay tahimik na buhay.
Ani dating Pangulong Duterte, hindi rin niya alam kung ano ang political plan ng kaniyang anak na si First District Rep. Paolo Duterte.