DFA: 21 opisyal ng pamahalaan na-stranded sa Israel 

DFA: 21 opisyal ng pamahalaan na-stranded sa Israel 

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 21 opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas ang na-stranded sa Israel matapos pansamantalang isara ang airspace at mga paliparan ng bansa, kasunod ng retaliatory missile attacks mula sa Iran.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, kabilang sa grupo ang siyam na alkalde, apat na bise alkalde, dalawang party-list representatives, dalawang regional directors, at apat na opisyal mula sa Department of Agriculture (DA).

Hindi pa inilalabas ng DFA ang mga pangalan ng mga opisyal bilang pagrespeto sa kanilang privacy.

Dagdag pa ni De Vega, inaasahang makakauwi ang mga opisyal ngayong weekend sakay ng byahe mula Jordan, bago lumipad pabalik ng Pilipinas.

Una na ring kinumpirma ni Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na inaalalayan ng Israeli government ang mga nasabing opisyal mula sa pagkain, matutuluyan, hanggang sa seguridad.

Pansamantala umano silang nanuluyan sa isang bombproof shelter malapit sa kanilang hotel bago nakahanap ng paraan para makalabas.

Ang mga opisyal ay nasa Israel bilang bahagi ng isang study visit program tungkol sa dairy farming na sinimulan sa ilalim ng Israeli government sponsorship. Nakatakda sanang bumalik sa Pilipinas sa Hunyo 20, ngunit naantala dahil sa lumalalang tensiyon sa rehiyon.

Samantala, kinumpirma naman ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na hindi kabilang sa 150 Pilipino na nagpahayag ng kagustuhang makauwi ang mga naturang opisyal.

“We know that they are taking care off, of course nakikiisa rin tayo sa ating mga mahal na kapwa ka gobyerno, local chiefs executive who are there, I know they are being attended too, it’s beyond the scope of our services not because they not being attending too because I know there are some other agencies and government taking care and monitoring of their situation,” saad ni Sec. Hans Leo Cacdac, DMW.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble