DFA, handa sakaling maglabas ng kondisyon ang Indonesia sa pagpapauwi kay Mary Jane Veloso sa Pilipinas

DFA, handa sakaling maglabas ng kondisyon ang Indonesia sa pagpapauwi kay Mary Jane Veloso sa Pilipinas

TINITIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na handa nilang tugunan ang anumang kondisyon na maaaring ipatupad ng Indonesia para sa pagpapauwi kay Mary Jane Veloso sa Pilipinas.

Ito’y kahit walang hinihinging kondisyon sa kasalukuyan ang gobyerno ng Indonesia.

Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega, nirerespeto ng Pilipinas ang anumang kondisyon na maaaring ipatupad ng Indonesia kapalit ng pagpapauwi ni Veloso.

Samantala, bukod sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ay may tatlong tauhan ang DFA na handang sunduin si Mary Jane sa Indonesia oras na maisapinal na ang pag-uwi nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble