DFA, iginiit na teritoryo ng Pilipinas ang Ayungin Shoal

DFA, iginiit na teritoryo ng Pilipinas ang Ayungin Shoal

IGIINIIT ng Department of Foreign Affairs (DFA) na teritoryo ng Pilipinas ang Ayungin Shoal kasunod ng umano’y pagtaboy ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy sa lugar.

Hinihintay pa ng DFA ang official reports mula sa militar at iba pang law enforcement agencies ukol sa umano’y pagtaboy ng Chinese Coast Guard sa mga bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Ayungin Shoal nitong buwan.

Ayon kay DFA spokesperson Tess Daza, ang reports ang magsisilbing basehan para sa diplomatic action sa insidente.

Binigyan-diin ni Daza na ang Ayungin Shoal ay bahagi ng exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas.

May karapatan aniya ang Pilipinas at mangingisdang Pinoy na gawin ang kanilang sovereign rights at hurisdiksyon sa lugar na walang pakikialam ng ibang bansa.

Matatandaang makailang beses nang sinampahan ng diplomatic protest ng Pilipinas ang China dahil sa mga ginagawa nitong aksyon sa West Philippine Sea (WPS).

Follow SMNI NEWS in Twitter