NAGHAHANDA ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa posibleng mass repatriation na gagawin nila sa mga Pilipino mula Lebanon.
Sinabi ni DFA Usec. Eduardo de Vega na hindi pa naman kinakailangan ang naturang hakbang sa ngayon subalit ninanais nilang maging handa para sa mga Pinoy na nandoon pagdating ng panahon.
Sa ngayon ay nasa 10-11K ang mga Pinoy na nasa Lebanon at mahigit 1K na ang nagsasabi na nais nilang umuwi sa Pilipinas sa gitna ng kaguluhan doon sa pagitan ng Hezbollah at Israeli Defense Military.
Ang Hezbollah ng Lebanon ay nakikisimpatiya sa Hamas Militant Group ng Palestine kontra Israel sa nangyayaring Gaza War ngayon.