DFA, naglunsad ng chartered flight para sa repatriation ng mga Pilipino mula sa Lebanon

DFA, naglunsad ng chartered flight para sa repatriation ng mga Pilipino mula sa Lebanon

NAGLUNSAD ang Department of Foreign Affairs sa pamamagitan ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs ng chartered flight para sa repatriation ng mga Pilipino mula sa bansang Lebanon.

Nakatakda ang nasabing repatriation sa Agosto 16 na layunin ding iuwi ang labi ng mga nasawing Pilipino na biktima sa nakaraang pagsabog sa Beirut.

Ayon kay Undersecretary Sarah Lou Arriola, na ang agarang repatriation ng mga Pilipino mula sa Lebanon ay kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong marinig ang hinaing kaugnay sa sitwasyon ng mga Pilipino sa nasabing bansa.

Althea Philippines

Para sa karagdagang detalye kaugnay sa chartered flight, maaaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Beirut sa mga sumusunod:

Tel: +961 3859430, +961 81334836, +961 71474416, +961 70681060 at +961 70858086 o sa email: beirutpe@gmail.com at Facebook: Philippine Embassy in Lebanon.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.