NAGSASAGAWA ang Department of Foreign Affairs o DFA ng special flights upang maiuwi ang mga overseas Filipinos (OF) na apektado ng COVID-19 crisis sa ibang mga bansa.
Pitong special flights ang iniayos ngayong linggo upang maiuwi sa bansa ang nasa 975 na OFs at ang isang chartered flight ay isinaayos din upang tulungan ang nasa 1,419 OFs na kasalukuyang stranded pa rin sa Saudi Arabia.
Isa sa mga napauwi na sa bansa ay isang overseas Filipino worker na mayroong medical condition.
Nasa 360 OFs naman mula sa Bahrain, Turkey, Qatar, at Canada ang naiuwi na sa pamamagitan ng apat na special flights.
Tinulungan din ng DFA na makauwi ang OFs mula sa mga kalapit na bansa sa Asya sa pamamagitan ng limang flights mula sa South Korea, Hong Kong, Singapore at China kung saan nakapag-uwi ito ng nasa 254 na indibidwal.