DFA, nakahandang magsagawa ng repatriation flight sa mga Pilipino sa Indonesia

DFA, nakahandang magsagawa ng repatriation flight sa mga Pilipino sa Indonesia

SA kabila ng mataas na kaso ng Delta COVID-19 variant, tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakahanda ang Philippine Embassy sa Jakarta, Indonesia para tulungan ang mga maaaring maapektuhang Pilipino ng naturang sakit.

Sa panayam kay DFA Undersecretary Brigido Dulay, plano ngayon na magsagawa ng repatriation flight sa mga Pilipinong nasa Indonesia kung kinakailangan.

Matatandaan una na rin inanunsiyo ng Malakanyang na epektibo ngayong araw o Hulyo 16 hanggang Hulyo 31  ang pagkakaroon ng travel restriction sa mga pasaherong dumarating sa bansa mula Indonesia.

Bukod sa mga paliparan na posibleng babaan ng mga pasahero galing Indonesia, tiniyak din ng DFA maging sa mga port sa bansa ay binabantayan na rin ang mga dumarating na pasahero.

Una na ring pinalawig ng pamahalaan ang ipinaiiral na travel restrictions sa mga biyahero mula sa United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka, Oman, Nepal at Bangladesh bilang bahagi ng pag-iingat na makapasok sa Pilipinas ang Delta variant.

Kinumpirma din ni Dulay na maraming mga embassy staff na mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas  ang nahawaan din ng COVID -19 maging ng mga ilang ambassador.

Sa ngayon naiulat na may 13 Pilipino sa Indonesia ang undergoing treatment for COVID.

Nasa kabuuang 8,586 Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Indonesia.

Samantala, dumating na sa bansa ang nasa 1,150,800 doses ng bakuna

Ang mga naturang bakuna ay binili ng private sector at LGU.

Sa kabuuan, nasa 6,858,900 M dosis na ng AstraZeneca ang dumating na sa Pilipinas.

SMNI NEWS