NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Philippine Embassy sa Warsaw, Poland sa bawat Filipino community sa Ukraine dahil sa tumitinding tensiyon doon at sa posibleng pag-atake umano ng Russia.
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Warsaw, Poland na nakikipag-ugnayan na ito sa mga Pilipino sa Ukraine at sa pamamagitan din ng honorary consulate general sa Kyiv sa gitna ng tumitinding tensyon at babala ng Estados Unidos hinggil sa pagsalakay ng Russia.
Ayon sa DFA tinatayang nasa 380 na mga kababayan natin ang kasalukuyang naninirahan sa Ukraine na karamihan ay nasa Kyiv.
Hinihikayat naman ng DFA ang mga Pilipino sa Ukraine na agad na makipag-ugnayan lang sa Embahada ng Pilipinas kung anumang untoward incident na maaari nilang maobserbahan sa kani-kanilang lugar.
Makakatulong din na subaybayan ang kanilang Filipino friends sa pamamagitan ng social media.
Matatandaan ang deployment ban ay ipinataw ng Maynila sa bansa mula noong 2014 nang tumama ang political crisis sa bansang silangang Europa.
Sa mga nakaraang linggo ngayong taon, muling tumaas ang tensyon kasunod ng mga ulat na ang Moscow ay nagdeploy ng higit sa 100,000 mga tropa at mga armas malapit sa hangganan ng Ukraine.
Ayon sa US, ito ay sapat na upang salakayin ang bansa anumang oras.
Sa kabila nito, hinimok naman ng Washington, DC at ilang iba pang mga bansa, tulad ng United Kingdom, Canada, South Korea, at Japan, ang kanilang mga mamamayan na lumikas kaagad sa Ukraine.
Sa ngayon, humihing pa tayo ng detalye sa DFA hinggil sa paghahanda ng Embahada sakaling posible ngang mangyari ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine