DH5 milyong gantimpala, matatanggap ng mananalo sa research proposals para sa rain enhancement sa UAE

DH5 milyong gantimpala, matatanggap ng mananalo sa research proposals para sa rain enhancement sa UAE

NANAWAGAN ang United Arab Emirates (UAE) Research Program for Rain Enhancement Science sa mga researcher na magsumite na ng mga pagsusuri para sa 5th cycle ng programa na nag-aalok ng gantimpala na nagkakahalaga ng higit isa’t kalahating milyong dolyar o katumbas ng limang milyong dirhams.

Sa ika-anim na edisyon ng International Rain Enhancement Forum, inanunsyo ni Alya Al Mazroui, director ng United Arab Emirates Research Program for Rain Enhancement Science na tinatanggap na ngayon ng 5th cycle ang research proposals na nagpopokus sa pagpapaganda ng cloud formation at rain enhancement.

Ang International Rain Enhancement Forum na inilunsad sa kauna-unahang pagkakataon ay ginanap sa Conrad Abu Dhabi at Etihad Towers.

Bukas naman ang pagpapasa ng mga proposal hanggang Marso 9 ngayong taon at ang pre-proposals ay maaaring isumite sa Marso 16 ngayong taon.

Ang mga maiimbita naman na magsumite ng full proposals nito ay bibigyan ng notice sa Mayo 26 at hihilingin na isumite ang kanilang full proposal sa Agosto 24 ngayong taon.

Ang mananalong proyekto ay pipiliin sa pamamagitan ng masusi at dalawang yugto na merit review process kung saan ang mananalo ay iaanunsyo naman sa Enero sa susunod na taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter