Dhan Chan, pinasisinungalingan ang mga akusasyon ni Hontiveros kay Pastor ACQ

Dhan Chan, pinasisinungalingan ang mga akusasyon ni Hontiveros kay Pastor ACQ

PINASISINUNGALINGAN ng isang vlogger na si Dhan Chan ng Brothers Travellers ang lahat ng akusasyon ni Sen. Risa Hontiveros kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Inilahad ni Dhan Chan ang lahat ng kaniyang nasaksihan sa kaniyang pagbisita sa Davao City lalo na ang pagpunta niya sa Prayer Mountain at Glory Mountain na pagmamay-ari ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Sa naganap na hearing sa Senado kamakailan, sinabi ng isang witness ni Risa Hontiveros na mayroong gun store sa Glory Mountain na pagmamay-ari umano ni Pastor Apollo at ito nama’y mariing pinasisinungalingan ng vloggers na nakasaksi at pumunta mismo sa lugar.

Malakas ang loob ni Dhan Chan na sabihin sa harap ng sambayanang Pilipino na isang sinungaling si Hontiveros na patuloy na nanggigipit sa Senado laban kay Pastor Apollo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble