NA-upgrade na ng DHL Express ang bagong eroplano nito na mula sa A300 ay ginawa na itong A330-300 bilang bahagi ng patuloy na pamumuhunan sa mga operasyon nito sa Pilipinas.
Ang naturang eroplano ay may 31% na pagtaas ng kapasidad mula 42 tonelada hanggang 55 tonelada na may 12 lingguhang flight sa ruta ng Hong Kong-Manila-Cebu-Manila-Hong Kong.
Ang bagong eroplano ay bahagi sa 15-taong kasunduan ng DHL sa AHK Air Hong Kong Limited at Cathay Pacific upang lalong palakasin ang mga serbisyo nito sa kanilang mga customer sa Asia Pacific Region ng hanggang 2033.